NAGA CITY- Pinayagan ngayon ng National Meat Inspection Service (NMIS) ang isa sa malaking piggery na NFH Farm sa Milaor na maging source ng
karne na pweding ipagbili ng ilang negosyante sa Naga City Peoples mall.
Ito ay sa kabila ng pagdeklara ng lokal na gobyerno ng Naga City ng State of Calamity at total lock down matapos magpositibo sa African Swine Fever ang ilang barangay sa lugar.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Ramon Florendo, Market superintendent ng Naga City Peoples mall sinabi nito pinayagan umano ang piggery sa kondisyon mayroong isang meat inspector ang mananatili sa lugar upang mag bantay dito.
Samantala, sinabi ni Florendo na karamihan sa mga meat vendors ng lungsod ay kumukuha sa NFH Farm at dinadala sa Naga City Abattoir upang katayin at ipinag bibili sa merkado.
Ngunit ayon kay Florendo, dahil kasalukuyang kinansela ang operasyon ng Naga City Abattoir napagdesisyonan umano ng may-ari ng piggery na
doon na mismo kakatayin ang nasabing mga baboy na approbado naman ng National Meat Inspection Service (NMIS).
Sa ngayon, kinumpirma naman ni Florendo, na bumalik na umano ang supply ng karneng baboy sa Naga City Peoples mall habang tiniyak naman nito na kompleto rin ito sa mga papeles.