NAGA CITY- Tukoy na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pagkakakilanlan ng nalunod na mangingisda sa Balatan, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Joel Rabino Carige na tinatayang nasa edad 40-anyos at residente ng Romblon.

Una rito, nabatid na apat na araw na itong nagpapalutang-lutang sa karagatang sakop ng nasabing bayan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Chief Petty Officer Alex Lumbre ng PCG-Balatan, nabatid na isa si Carige sa apat na mga mangingisda na nawawala mula pa sa Romblon sa kasagsagan ng bagyong Dante.

Kaugnay nito, mismong ang asawa nito ang kumilala sa biktima na ito nga ang nawawalang mangingisda nang magsagawa ng follow-up investigastion ang mga awtoridad.

Sa ngayon, hinihintay na lamang ng PCG-Balatan ang pagdating ng mga kapamilya ng biktima para mabigyan ito ng maayos na libing sa kanilang residensiya.