NAGA CITY- Patay ang isang mangingisda matapos na pagbabarilin sa Brgy Rizal Padre Burgos, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Marson Mabasa, 45 anyos, residente ng nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag alaman na hinihintay ng suspek na si Honorio Alano, 59 anyos, residente ng Bgy Campo Padre sa naturang bayan ang pagdaan ni Mabasa sa isang bahay na pag mamay-ari ng pinangalanang Marry Anne.

Napag-alaman na noong dumating si Mabasa sa nasabing lugar dito na nagkaroon ng mainit na pagtatalo sa pagitan ng biktima at suspek na nagresulta sa pagbunot ni Alano ng baril at dito na pinaputukan si Mabasa.

Matapos ang insidente, agad na tumakas si Alano habang dala-dala ang ginamit nitong baril.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, idineklarang dead on arrival ng mga doktor si Mabasa dahil sa mga tinamo nitong mga tama ng bala sa kanyang katawan.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad lalo na para sa posibleng pagtunton sa kinaroroonan ng suspek.