Inatasan ng Sandiganbayan ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at mga opisyal ng PNP General Hospital na dalhin si Senador Rodante Marcoleta sa Philippine General Hospital (PGH) upang sumailalim sa medical examination.
Batay sa kautusan ng Sandiganbayan Third Division, nakatakdang isagawa ang pagsusuri ngayong Martes, Hulyo 14. Ayon sa korte, ihahatid si Marcoleta sa PGH bandang alas-12 ng tanghali ng mga tauhan ng CIDG, kasama ang mga opisyal ng PNP General Hospital.
Inatasan din ng korte ang mga doktor na magsumite ng resulta ng isinagawang medical examination at humarap sa pagdinig bago mag-alas-8:30 ng umaga sa Miyerkules upang ipaliwanag ang kanilang mga natuklasan.
Pagkatapos ng pagsusuri, ibabalik si Marcoleta sa PNP General Hospital at muli siyang ihaharap sa Sandiganbayan sa itinakdang pagdinig kinabukasan.
Inatasan din ang mga kinauukulang awtoridad na magsumite sa korte ng ulat sa loob ng tatlong araw bilang patunay ng kanilang pagsunod sa inilabas na kautusan.












