Nagkasundo sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Japanese Prime Minister Sanae Takaichi na higit pang palawakin ang ugnayan at pagtutulungan ng Pilipinas at Japan sa iba’t ibang sektor kasunod ng kanilang bilateral meeting sa Maynila.

Kabilang sa mga pangunahing napag-usapan ng dalawang lider ang mga usaping panrehiyon at pagpapalakas ng kooperasyon sa larangan ng seguridad, enerhiya at ekonomiya.

Ayon kay Takaichi, nais ng Japan na patatagin pa ang partnership ng dalawang bansa bilang Comprehensive Strategic Partners at palawakin ang kanilang pagtutulungan upang maisulong ang kapayapaan at katatagan sa rehiyon.

Dumalo rin ang Japanese Prime Minister sa ASEAN Gala Dinner na pinangunahan ni Pangulong Marcos, kasama ang iba pang mga lider at kinatawan ng mga pandaigdigang organisasyon.

Advertisement
Advertisement