NAGA CITY- Malaking problema ngayon para sa mga e-bike users sa Naga City ang kawalan ng espasyo upang paglagyan ng bike lane.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Naga kay Trinity Mayor, Presidente ng Naga City E-bike Association, sinabi nito na kasabay ng pagbabawal sa mga e-bikes na dumaan sa mga main road ang paghingi nila ng tulong kay Naga City Mayor Nelson Legacion ngunit ang problema umano ay ang kakulangan sa espasyo ng mga kalsada.

Ito ay dahil sa maliliit ang mga kalsada sa lungsod kung kaya wala na halos paglalagyan ng bike lane na pwede sana madaanan ng mga e-bikes.

Dagdag pa nito na sa ngayon ay kulang na kulang pa ang kalsada para sa mga 4-wheelers na dumadaan sa mga kalsada ng lungsod ngunit kun lalagwan pa ng panibagong mga bike lane mas lalo na itong sisikip.

Bilang tugon, pinayuhan na lamang ni Mayor ang mga e-bike users na manatili na lamang sa gilid ng kalsada lalo na sa kacentrohan ng lungsod.

Pakiusap rin ng opisyal sa lahat na huwag gawing parking area ng mga private cars ang mga bike lane at panatilihin itong malinis upang magamit.

Pagdating naman sa paghatid at pagsundo ng mga bata o estudyante dapat na drop and go lamang ang gawin upang di na makaabala sa trapiko.

Payo pa nito sa mga e-bike users na maghanap na lamang ng pansamantalang mga alternatibong daanan na pwedeng nilang daanan upang maiwasan na dumaan sa mga main road.