epa10697852 Mayon volcano spews ashes and lava in the town of Daraga, Albay province, Philippines, 18 June 2023. According to the Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) latest bulletin, released 18 June, Mayon Volcano in Albay continued to exhibit high levels of unrest, spewing lava and triggering rockfall events. Families living within the six kilometer radius danger zone were ordered to evacuate as a hazardous eruption is possible within days or weeks. EPA/FRANCIS R. MALASIG

Nagtala ng mahinang strombolian activity ang Bulkang Mayon nitong Biyernes ng gabi at madaling araw ngayong Sabado, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), habang nananatili pa rin sa Alert Level 3 ang bulkan.

Ayon sa PHIVOLCS, naitala ang mga aktibidad sa summit crater noong 10:40 ng gabi ng Abril 10 at 12:38 ng madaling araw ng Abril 11, na nasaksihan pa sa pamamagitan ng Mayon Volcano Observatory Raspberry Pi camera.

Sa insidente noong 10:40 p.m., nagbuga ng abo ang bulkan na umabot sa humigit-kumulang 700 metro mula sa bunganga bago tinangay patungong kanluran. Iniulat din na narinig ang pagputok sa observatory.

Ayon sa United States National Park Service, ang strombolian eruptions ay mga katamtamang pagsabog na dulot ng basaltic magma at may kasamang gas, na nagreresulta sa magkakahiwalay na explosive bursts na parang “firework-like” na pagbuga ng materyales.

Advertisement

Sa ika-95 magkakasunod na araw ng effusive eruption ng Mayon, nakapagtala rin ng patuloy na lava flows, pyroclastic density currents (PDC) na lokal na tinatawag na “uson,” at mga rockfall.

Binigyang-diin ng PHIVOLCS na nananatiling mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa 6-kilometrong Permanent Danger Zone habang nananatili ang Alert Level 3 sa bulkan.

Advertisement