Dead on arrival ang isang menor de edad matapos malunod sa dagat sa Sto. Niño, Sagñay, Camarines Sur bandang alas-10:05 ng gabi noong Abril 5, 2026, ayon sa ulat ng Philippine National Police.

Ayon sa PNP, ang biktima ay nasa ilalim ng impluwensya ng alak nang magtungo sa dagat upang maligo. Agad namang rumesponde ang mga awtoridad at dinala ito sa infirmary, ngunit idineklara itong dead on arrival ng attending physician.

Patuloy na pinapaalalahanan ng mga awtoridad ang publiko na iwasang maligo sa dagat lalo na kung nakainom ng alak upang maiwasan ang kahalintulad na trahedya.

Advertisement