NAGA CITY – Sugatan ang isang menor de edad matapos mabundol ng isang traysikel sa Dayangdang St, Naga City.

Kinilala ang menor de edad na isang chakoy vendor sa naturang lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Naga City Police Office (NCPO), nabatid na habang binabagtas ng biktima ang kahabaan ng naturang kalsada ng bigla na lamang itong mabundol ng isang traysikel na minamaneho ng isang Christian Lovendino.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, nagtamo ng mga sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kaniyang katawan ang biktima na agad namang dinala sa ospital.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga otoridad ang suspek para sa karampatang disposisyon.