NAGA CITY– Patay ang isang menor de edad matapos magbigti sa Brgy. Tarum, Libmanan Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Darwin Presentacion 15-anyos at residente ng nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office CSPPO, sinasabing bandang alas 7:00 umano ng umaga kahapon ng makita ang menor de edad ng kanyang ama na si Domingo Presentacion na nakabigti at wala ng buhay.

Ayon sa report ng ama ng biktima, nakita na lamang niya ang kanyang anak na nakabitin sa isang puno ng mangga sa kanilang bakuran.

Kaugnay nito, agad namang ipinagbigay-alam ang nasabing insidente sa mga otoridad.

Sa ngayon, patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad kung may foul play ba sa naturang insidente.