NAGA CITY-Patay ang isang menor de edad matapos magpatiwakal sa Lucena City.

Kinilala ang biktima na isang 17-anyos, residente ng Purok Narra, PCA, Brgy. Isabang, sa nasabing lungsod.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na nakita na lamang ng kanyang Ina na kinilalang si Jackilyn Abellanosa Ricafort ang kanyang anak habang nakabigti sa loob ng kanilang bahay.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, nabatid na kaagad naman na dinala sa ospital ang biktima para sa asistensiya medikal pero idineklarang dead-on-arrival ng mga doktor.

Samantala, wala naman nakitang foul play sa pinangyarihan ng insidente.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad patungkol sa nasabing insidente.