BOMBO NAGA- Sinimulan na umano na i-freeze ng US Department ang mga ari-arian ni Pastor Apollo Carreon Quiboloy.
Mababatid na nagpalabas na ang Federal Bureau of Investigation ng wanted posters para sa pastor matapos ang partisipasyon umano nito sa human trafficking at cash smuggling.
Sa ulat ni Bombo International News Correspondent Marlon Pecson mula sa Chicago, Illionois, sinabi nito na mabilis naman na kumikilos ang Estados Unidos upang hindi ma-access pa ni Quiboloy ang kaniyang mga ari-arian sa nasabing lugar.
Aniya, mas malalagay umano sa alanganing posisyon si Quiboloy sakaling manalong presidente ng bansa sa darating na eleksiyon ang hindi kapartido ng kasalukuyang administrasyon dahil mawawalan umano ito ng proteksiyon.
Dagdag pa nito, nahihirapan pa ang FBI na arestuhin at maimbestigahan ang Pastor dahil nasa hurisdiksyon pa umano ito ng gobyerno ng Pilipinas.
Uusad lamang umano ang kaso sakaling e-extradite ang pastor sa Estados Unidos ngunit sa ngayon, wala pang wala pang request ukol dito na natatanggap ang Pilipinas mula sa US government.