NAGA CITY- Nakiisa na rin sa nagpapatuloy na kilos-protesta ang ilang mga pinoy sa New York City.
Sa ulat ni Bombo International Correspondent Grace Guamos Chan, sinabi nitong may ilang grupo ng mga pinoy ang makikita sa naturang protesta habang ang iba naman dinadaan na lamang sa online protest.
Ayon kay Chan, ilan sa mga ito ay mga nurse na nagbibigay ng medical aid sa mga taong nasusugatan dahil sa nagpapatuloy na protesta.
Dagdag pa nito, ang ninanais lamang ng karamihan ay ang tahimik na kilos protesta para sa namatay na Black American na si Greorge Floyd, ngunit may ilang mga nananamantala umano dito at sumasama sa protesta.
Advertisement
Sa ngayon, mas naging agresibo pa umano ang nagpapatuloy na kilos-protesta sa naturang lugar.
Advertisement