NAGA CITY- Kaliwa’t kanan ngayon ang mga nangyayaring protesta sa ilang mga estado ng United States of America dahil naman sa naging pagbasura ng US Supreme Court sa Abortion Right Bill.
Sa report ni Bombo International News Correspondent Jan Andrada mula sa Miami, Florida, sinabi nito na hati nagyon ang reaksyon ng mga residentes sa Estados Unidos.
Ayon pa kay Andrada tanging ang mga Liberal ang pabor sa abortion habang ang mga Republicans man ang kontra dito.
Kung kaya dagdag pa ni Andrada, na marami sa mga Liberal State ngayon ang nagpoprotesta dahil para sa kanila bayolasyon sa karapatan ng mga kababaihan ang nasabing desisyon.
Samantala, maliban sa mga nagpoprotesta, mayroon umano na mga religious organizations at communities ang nagpapahayag nang kasayahan dahil sa desisyon na ng kan Korte Suprema nang US.
Binanggit pa ni Andrada na wala namang ganitong klase ng aktibidad ang isinasagawa sa Florida kung ikukumpara sa New York, Washington DC, Philadelphia, Boston, Los Angeles, Texas at iba pang mga key cities nang America.
Sa ngayon, tiniyak naman ni Andrada na sa gitna ng mga protesta na ito, wala naman na naitatalang nagkakasakitan sa mga protesters mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa.