NAGA CITY- Inaasahang magiging star-studded ang mangyayaring Miss Bicolandia ngayong taon.

Magiging special guest sa naturang aktibidad sina third runner-up Miss Universe 2011 Shamcey Supsup-Lee at Gab Lagman habang magiging host

naman sina 1st runner-up Miss Grand International 2016 Nicole Cordoves at Robi Domingo.

Binubuo ang naturang pageant ng 20 naggagandahang dilag mula sa iba’t ibang lugar sa Bicol ngunit kinumpirma ngayon ni Coun. Jose Perez, co-

chairman ng executive committee ng Miss Bicolandia na isa sa mga kandidata ang biglaang umatras dahil sa conflict sa oras ng mga rehearsals at klase

nito.

Nakatakdang gawin ang Coronation Night ng Miss Bicolandia sa Setyembre 11, 2019 sa Jesse M. Robredo Coliseum.

Ang Miss Bicolandia, ang taunang ginagawa bilang bahagi ng Penafrancia Festival kung saan kasama sa mga produkto nito ang mga international

beauty queens na sina Venuz Raj, Dianne Necio, Elaine Kay Moll, Yvette Santiago at Melody Gersbach.