Alam ba ninyo mga ka-bombo, sa mahabang panahon ang New York’s Upper Fifth Avenue ang may hawak sa titulong the most expensive street in the world ngunit kamakailan lang ito ay pinalitan ng Montenapoleone, isang shopping street sa Milan, Italy.

Taon- taon ang American firm na Cushman and Wakefield ang nagpapalabas ng global index na nagra-rank sa itinuturing na world’s most expensive shopping areas sa pamamagitan ng kanilang presyo ng renta.

Kaugnay nito, ang Fifth Avenue ang nangunguna sa halos nasa 138 retail destinations sa buong mundo sa loob ng halos ilang taon, ngunit noong nakaraang taong 2024 ito ay nalampasan ng Montenapoleone.

An Montenapoleone ang kilala bilang pinakamahal na shopping street sa Milan.

Maliban sa mga turista na interesado mag-window shopping, makikita rin sa area ang pinakamayayaman na tao sa mundo na kayang gumastos ng nasa 2,500 euros o $2,600 bawat purchase na itinuturing naman na pinakamataas na receipt sa buong mundo.

Dahil dito, ang turismo sa Milan ay patuloy na gumaganda dahil sa pamosong Montenapoleone Street