NAGA CITY- Dead-on-Arrival ang isang motorcycle driver matapos na aksidenteng mawalan nang kontrol sa pinagmamaneho nitong motorsiklo sa Brgy Lawigue, Tayabas City.

Kinilala ang biktima na si Jovet Buenafe, tinatayang 25-anyos at residente ng Brgy Ibabang Palale, Tayabas City.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office napag-alaman na habang binabagtas ng motorsiklo na pinagmamaneho nang biktima ang kahabaan nang nasabing daan nang aksidente itong mawalan nang kontrol at aksidenteng nahulog sa isang drainage.

Dahil dito, nagtamo nang sugat sa iba’t ibang bahagi nang kanyang katwan ang biktima na agad naman na dinala sa pagamutan para sa asistensya medikal pero idineklara ring dead-on-arrival ng mga doktor.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa man ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad patungkol sa nabanggit na insidente.