NAGA CITY- Patay ang isang motorista matapos maaksidente sa lungsod ng Lucena.

Kinilala ang biktima na si Joselito Gonzales Pividal, 29-anyos.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga mula sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na habang binabaybay ng biktima ang diversion road National Highway, Pagbilao Bound sakay ng kanyang motorsiklo ng bigla itong maaksidente pagdating sa Brgy. Ilayang Dupay, Lucena City.

Nahagip umano ng motorsiklo ang kanang bahagi ng gutter ng kalsada dahilan para matumba ang sasakyan sa mabatong bahagi ng lugar.

Kaugnay nito, nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan at ulo ang biktima na agad namang itinakbo sa ospital ngunit hindi na naagapan pa ang buhay.