Photo courtesy of CNPPO PIO

NAGA CITY – Arestado ang isang municipal most wanted person ng Labo, Camarines Norte.

Kinilala ang suspek na si alyas “Geloy,” 52 taong gulang, binata, at residente ng Purok 7, Barangay Pag-Asa, sa nasabing bayan.

Base sa report, nitong Abril 26, 2025, dakong alas-12:10 ng tanghali, matagumpay na naaresto ng mga otoridad ang naturang suspek.

Ang operasyon ay naisakatuparan batay sa Warrant of Arrest na inisyu, kaugnay ng paglabag sa Section 10 (a), Article VI ng Republic Act 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act), sa ilalim ng Criminal Case No. 15-2696 na may petsang Marso 12, 2025.

Advertisement

Kaagad na ipinaalam sa inaresto ang detalye ng kanyang kaso at ang kanyang mga karapatang konstitusyonal.

Sa kasalukuyan, nasa kustodiya ng Labo MPS ang suspek para sa karampatang disposisyon ng kanyang kaso.

Advertisement