NAGA CITY- Kinumpirma ni Former first lady Farah Bongat na kasalukuyan ng nakaconfine sa Bicol Medical Center si Former Naga City Mayor John Bongat matapos na magpositibo sa Covid-19.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Naga kay Former first lady Farah Bongat sinabi nito na una ng nakaramdam ng mga sintomas ng COVID-19 si Former Naga City Mayor Bongat ngunit binalewala muna ito ng dating alkalde.

Ayon kay Farah, nang dinala na ito sa BMC, dito na nakumpirma na positibo ito sa naturang nakamamatay na sakit.

Nagpapasalamat rin ang dating first lady na nag negatibo sa naturang virus ang kaniyang dalawang anak.

Sa ngayon, kasalukuyan itong naka house lockdown kasama ang kaniyang kasambahay.

Habang napag-alaman na una na umanong nagkaroon ng lagnat ang kanilang kasambahay.