NAGA CITY- Kinumpirma ni Naga City Mayor Nelson Legacion na ngayong araw isasailalim na sa General Community Quarantine ang naturang lungsod.

Sa pahayag ni Naga City Mayor Legacion, sinabi nito na ngayong araw magsisimula ang new normal na buhay ng mga mamamayan sa lugar.

Sa kabila nito, muli pa ring umaasa ang alkalde na sasang-ayunan ng Inter-Agency Task Force ang kahilingan na palawigin ang enhanced community quarantine dahil hindi pa handa ang lungsod para sa GQC.

Ngunit sa ngayon, nagpalabas naman ang syudad ng Executive Order 20-015 para sa localized guidelines sa implementasyon ng GCQ sa Naga city.

Advertisement

Kasama sa mga napag-usapan ang muling paggamit ng quarantine pass.

Maliban dito, papayagan naman na magbyahe ang mga sasakyan gaya na lamang ng padyak, e-trike at tricycle ngunit sa loob lamang ng lungsod at isa lamang ang dapat na sakay na pasahero.

Para naman sa mga industry, kasama sa mga papayagan ang Agriculture, fisheries, forestries sectors, food supplies at essential goods at iba pang primer na mga establishmiento.

Kailangan pa ring magsuot ng face masks at pinagbabawal pa rin ang mass gatherings.

Sa kabilang dako, magiging mahigpit pa rin sa mga border ng lungsod at kailangan pa ring ipasailalim sa quarantine ang mga taong mula sa mga lugar na may kaso ng COVID-19.

Advertisement