NAGA CITY- Umaasa ngayon ang lokal na pamahalaan ng Naga na hindi maisasailalim sa mas mahigpit na alert level 4 ang lungsod dahil pa rin sa COVID-19 pandemic.
Ito’y kasunod ng apela ni Naga City Mayor Nelson Legacion sa Inter Agency Task Force.
Sa naging pagharap sa mga kagawad ng media ni Renne Gumba, head ng Public Safety Office (PSO)- Naga, sinabi nito na sakali umanong tumaas pa ang alert level status ng lungsod marami na naman ang babaguhin sa mga nag-iiral na panuntunan sa lugar.
Kasama na rito ang mga nakatalagang mga kapasidad sa mga indoor at outdoor establishments.
Mababatid na sa ilalim ng alert level 3, pinapayagan ang 50% outdoor capacity habang 30% naman para sa indoor capacity.
Nakiusap din ang opisyal sa mga establishemento na mahigpit na ipatupad ang “no vaccination, no entry policy” gayundin ang pagcheck sa mga ID’s at contact tracing methods para sa mas mabilis na contact tracing.
Sa ngayon, paalala na lamang ng alkalde na mag-ingat para hindi mahawaan ng nakamamatay na sakit.