NAGA CITY- Target ngayon ng Tourism Office-Naga na maging Tourist friendly asin Tourist oriented ang kasentrohan ng lungsod.

Sa panayam ng Bombo Rdayo Naga kay Alec Santos, Tourism Officer Chief ng Naga City, sinabi nito na magiging posible umano ang naturang target sa pamamagitan ng pagsasaayos sa mga imprastraktura sa lungsod.

Ayon pa kay Santos, target ng kanilang ahensiya na makumpleto ang pagsasaayos at pagpapalaki sa mga kalsada lalo na ang side walk areas upang maging pedestrian lane at bike lane friendly ang buong kasentrohan ng lungsod.

Sa kabilang dako, patuloy naman ang isinasagawang cultural mapping ng Tourism office para tuluyan nang maging creative and cultural city ang naturang lugsod.

Advertisement

Dagdag pa ni Santos, target ng kanilang opisina na gawing heritage district ang bahagi ng Barlin kung saan magbubukas ito ng bagong oportunidad para sa mga maliliit na negosyo.

Sa ngayon, hiling na lamang nito ang suporta ng publiko sa mga proyektong binubuo para sa ikakaunlad ng Naga City.

Advertisement