Kasama ni Robredo ang kanyang dalawang anak na si Aika at Jillian gayundin ang buong team Naga, kung saan sabay-sabay na naghain ng kanilang kandidatura ang buong line up nito.
Sa naging pagharap sa mga kagawad ng media ni Former Vp at Atty. Leni Robredo, sinabi nito na lagi niyang sinasabi na noong Hunyo o Hulyo ay nagpasya siyang tumakbo bilang mayor ng Naga City.
Ito ay dahil nasubukan na nito ang parehong mga posisyon sa lehislatibo at ehekutibo.
Pangalawa, ang gawaing pangkomunidad ang kanyang hilig dahil naniniwala si Robredo na ito ang ibig sabihin ng pagiging Alkalde, hindi lamang tagapamahala ng lungsod kundi ang gawaing Lungsod ang kanyang anchor sa trabaho.
Eksakto alas 10 nang umaga dumating si Robredo sa Comelec-Naga at bandang alas 10:45 naman natapos.
Sinalubong ang dating Bise-Presidente ng kanyang mga supporters kung saan masayang nakipag kumustahan ang dating Bise-Presidente sa mga tao Lalo na sa mga matiyagang naghintay sa kanyang pagdating.
Maaalala, kahapon opisyal na ideneklara ni Robredo ang kanyang pagtakbo sa pagka-alkalde ng lungsod ng Naga na kasama ang buong team Naga sa ilalim ng Liberal party.
Maaalala pa, palagiang Octubre 5 naghahain ng kanyang kandidatura si Robredo dahil mayroong malalim na ibig sabihin ang numero na ito.
October 5, 2012, kamamatay palang ng asawa nito na si Former DILG Sec. Jesse Robredo, last minute naghain ng kandidatura sa pag kongresista ng Camarines Sur sa kabila ng walang pera at kulang sa resources.
October 5,2015 naghain ng kanyang kandidatura sa pagka Bise Presidente si Robredo at maswerte namang nanalo.
Samantala, taong 1988 naman ng manalo Si Former Mayor Jesse Robredo bilang youngest Mayor in the Philippines sa edad na 29 at nagmarka sa kanyang Good Governance na pagseserbisyo sa buong lungsod
Sa ngayon, nais na lamang ni Robredo na muling maitaguyod pa nasimulan ng kanyang asawa para sa ikakaulanda ng buong lungsod ng Naga City at makatulong sa buong bansa.