NAGA CITY- Kumpiskado ng mga awtoridad ang mahigit P41,000 na halaga ng hinihinalang shabu mula sa isang suspek sa buy-bust operation sa Lucena City.

Kinilala ang suspek na si Lilibeth Ebreo, 37-anyos, residente ng Purok Tulungan, Brgy Ibabang Iyam sa nasabing lungsod.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na nakabili ng isang sachet ng nasabing iligal na droga ang umaktong posuer buyer.

Maliban sa buy-bust item, nakumpiska pa sa suspek ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu na may bigat na 2.03 grams at nagkakahalaga ng P41,412.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek para sa karampatang disposisyon.