NAGA CITY- Tinatayang aabot sa P50-K na halaga ng iligal na droga ang nasamsam sa dalawang suspek sa isinagawang buy-bust operation sa Candelaria, Quezon.

Kinilala ang mga suspek na sina Clariza Bayta Reymundo, 31-anyos at Samuel Solomon, kapwa residente ng Barangay Masin Norte sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office (QPPO), napag-alaman na narekober sa mga suspek ang apat na sachet ng pinaniniwalaang shabu.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na ang nasabing mga iligal na droga ang may timbang na 2.3 grams at nagkakahalaga ng P46,920 pesos.

Samantala, nasa kustodiya na ng mga awtoridad si Raymundo habang nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon lalo na sa pagkakaaresto kay Solomon na nagawang makatakas habang isinasagawa ang operasyon.

Sa ngayon, inihahanda na ang kasong isasampa kontra sa nasabing mga suspek.