NAGA CITY- Patay na ng matagpuan ang katawan ng isang lolo matapos na masunog sa Calauag, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Florido Aballe Fernan, 64-anyos, residente ng Brgy Bukal, sa nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang sinusunog ng biktima ang kopra ng lumaki ang apoy dahilan para masunog pati ang mismong koprahan nito.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, mababatid na kasabay na nasunog ang biktima.

Samantala, wala namang nakikitang foul play ang mga otoridad sa nasabing insidente.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad.