NAGA CITY- Arestado ang isang negosyante na nahaharap sa patong-patong na kaso sa Barangay Malaya, Labo, Camarines Norte.

Kinilala ang suspek na si Ruel Villanueza Dacillo, 37-anyos.

Sa nakalap na impormasyaon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Norte Police Provincial office, napag-alaman na nahaharap si Dacillo sa patong-patong na kasong Frustated Murder at Murder.

Si Dacillo ang umano’y miembro ng Bagong Hukbong Bayan/ Armando Catapia Command, Communist terrorist group.

Maliban dito, sinasabing ang naturang suspek ay naging bahagi ng nangyaring ambush sa Barangay Daguit, Labo, Camarines Norte noong December 2, 2017.

Sa ngayon nasa kostodiya na ng mag otoridad ang nasabing suspek para sa karampatang disposisyon.