Nagbabala si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na magsasagawa pa ng mas matinding pag-atake ang Israel laban sa Iran, kabilang ang pagpapakawala ng mga missile sa mga tanggapan ng pamahalaan nito.
Ayon kay Netanyahu, makakasama ng Israel ang Estados Unidos sa mga operasyon at mararamdaman umano ng Iran ang lakas at bigat ng mga susunod na pag-atake.
Sinabi rin niya na sa mga susunod na araw ay maglalatag sila ng mga kundisyon na kailangang pagpilian ng mga Iranian kaugnay ng umiigting na tensyon sa pagitan ng dalawang bansa.
Dagdag pa ng Israeli leader na mahalagang kumilos ang mamamayan ng Iran na wala sa kontrol ng kanilang pamunuan.
Nauna rito, patuloy ang isinagawang pag-atake ng Israel sa ilang mahahalagang lugar sa Iran kung saan mahigit 1,000 katao na ang naitalang nasawi.














