Itinuturing ni House Committee on Public Accounts Chairman Rep. Terry Ridon na isang hamon para sa gobyerno ang pagpaspas ng mga hakbang upang habulin ang perang kinuha ng ilang dating opisyal mula sa mga flood control projects.
Sa panayam ng Bombo Radyo, iginiit niyang hindi dapat hayaang muling makuha ng mga sangkot sa iskandalo ang salaping na-freeze matapos itong makuwestyon sa mga pagdinig.
Para sa mambabatas, mas makabubuti kung magiging mas agresibo ang aksyon upang matiyak na maibabalik sa kaban ng bayan ang mga pondong nakalaan para sa mga pampublikong proyekto.
Dapat din umano itong tutukan ng Ombudsman, Anti-Money Laundering Council, at iba pang ahensya upang masigurong mapapanagot ang mga dawit sa katiwalian, habang ang pondo ng bayan ay napupunta sa nararapat na mga programa ng gobyerno.














