NAGA CITY- Nag-apela ngayon ng tulong mula sa pamahalaan ang isang Overseas Filipino Worker sa bansang Kuwait sakaling makauwi na sa Pilipinas.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Naga kay Jane Noguera na limang buwan ng nasa kuwait, wala umanong problema kung kailangan na nilang umalis sa kuwait ngunit tiyakin muna ng pamahalaan na mayroon silang makukuhang tulong habang nasa Pilipinas.
Ayon kay Noguera, dahil sa kakulangan ng oportunidad para sa mga mamamayan na kulang ang pinag-aralan napipilitan na lamang silang mag trabaho sa ibang bansa.
Kung saan plano nito na muling pumunta sa ibang bansa upang maipagpatuloy ang kanyang pagbibigay ng tulong sa pamilya lalo na ang pag kakaroon ng sariling bahay.
Kahit pa umano may takot itong nararamdaman dahil sa nangyari sa kapwa OFW na si Jeanelyn Villavende, ngunit wala umano itong magagawa dahil kailangan nilang patuloy na makipag sapalaran sa ibang bansa para sa kanilang pamilya.