Kailangang magpakita ng negatibong HIV test result ang mga Pilipinong bibiyahe patungong Oman, para man sa trabaho o turismo, ayon sa mga tauhan ng Muscat-based flag carrier na nagpapatupad umano ng polisiya na nagsimula noong nakaraang buwan.

Ayon sa ulat, walang pormal na anunsyo tungkol sa naturang patakaran, ngunit may mga online report na nagsasabing may ilang pasaherong na-offload dahil sa kawalan ng HIV clearance sa oras ng check-in.

Sinasabi rin na ipinapaalam lamang ang requirement sa mga pasahero pagdating sa check-in counters ng airline.

Saklaw umano ng polisiya ang lahat ng uri ng visa, ngunit hindi kabilang dito ang mga bata.

Advertisement

Gayunman, nilinaw ng Philippine Embassy sa Muscat sa isang abiso nitong Abril 14 na “no official confirmation has been received from Omani authorities” kaugnay ng nasabing requirement.

Advertisement