NAGA CITY- Balik-operasyon na ang One-Time Big-Time Operation ng Naga City Police Office (NCPO) sa pakikipagtulungan ng Land Transportation Office (LTO)-Naga, City Mobile Force Company (CMFC), Special Weapons and Tactics at Anti Smoke Belching Unit.
Nagpatuloy ito noong Oktubre 4, 2024 kung saan marami ang nasita.
Sa naging pagharap sa mga kagawad ng media ni PLTCOL. Sinabi ni Chester Pomar, tagapagsalita ng NCPO, na sa talaan mula Enero hanggang nitong Oktubre; 3,865 ang nabigyan ng citation ticket, 760 temporary operator’s permit, siyam na nakumpiska na led lights, pitong na-impound na four wheeled vehicle, 68 na motorsiklo habang apat na tricycle.
Bukod pa dito, 38 plate number din ang nakumpiska, 634 driver’s license at 12 sasakyan ang na-ticketan para sa smoke belching.
Sinabi ng opisyal na relaxed sila sa operasyon ng nakaraang Peñafrancia kaya sanay na silang walang check point.
Matatandaang nagsimula ang nasabing operasyon noong Enero kung saan marami ang nagrereklamo sa traffic at istorbo.