NAGA CITY – Nasamsam ng mga awtoridad ang nasa P100,000.00 na halaga ng iligal na droga mula sa dalawang suspek sa isinagawang buy bust operation sa Candelaria, Quezon.
Kinilala ang mga suspek na sina Edgardo Embino, 48-anyos at Napeleon Leynes, 48-anyos, residente ng nasabing munisipalidad.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na nabili ng nagpanggap na poseur buyer sa suspek ang isang heat sealed transparent plastic sachet ng pinaniniwalaang shabu gamit ang P500.00 na bust money.
Kaugnay nito, maliban sa buy bust item, nakumpiska pa sa mga suspek ang anim na piraso ng pinagbabawal na gamot na nasa 4.5 grams at nagkakahalaga ng nasa P100,800.00.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang mga suspek para sa karampatang disposisyon.