NAGA CITY – Kumpiskado ang tinatayang nasa P100,000 na halaga ng pinaniniwalaang iligal na droga sa isinagawang buybust operation sa Daet, Camarines Norte.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Norte Police Provincial Office, napag-alaman na nakabili ang nagpanggap na posuer buyer sa suspek na kinilalang si Felisa Amelia Gilana, 49-anyos, residente ng Purok 8, Barangay 4, sa nasabing lugar, ng isang pakete ng pinaniniwalaang shabu.
Sa insiyal na imbestigasyon ng mga otoridad, maliban sa buybust drug narekober rin sa suspek ang mga personal na kagamitan nito, dalawang piraso ng 1000 peso bill na ginamit bilang boddle money, dalawang 500 peso bill, at walong pakete ng pinaniniwalaang shabu, na tinatayang may bigat na 10 grams at nagkakahalaga ng nasa P100,000.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga otoridad ang suspek para sa karampatang disposisyon.