NAGA CITY- Tinatayang aabot sa mahigit P1 Million ang halaga ng shabung narecover sa isinagawang buy bust operation na nauwi sa isang armed
encounter sa Pili, Camarines Sur.
Kinilala ang suspect na si Angelo Calimag alyas BUKNOY, na residente ng Barangay Mabulo, Naga City.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PLtCol Bogard Arao , Hepe ng Pili PNP sinabi nito na matagal nang binabantayan ng mga otoridad ang bawat galaw ng suspect.
Nabatid na sa gitna ng operasyon, napansin ni Calimag na pulis ang kanyang
katransakyson kung saan agad na bumunot ng Calibre 45 na baril at pinaputukan ang mga pulis.
Kaugnay nito, agad na gumanti ng putok ang mga otoridad na naging dahilan ng pagkamatay ng suspek.
Narecover sa lugar ng pinangyarihan ang aabot sa 200 grams ng pinaniniwalaang shabu.
Sa ngayon nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad para malaman ang iba pang koneksyon ng naturang suspek.