NAGA CITY- Arestado ang dalawa katao matapos ang isinagawang buy-bust operation ng mga otoridad sa Metroville Barangay Sabang Naga City.

Kinilala ang mga suspek na sina Mario Sawal, 44-anyos at Chito Aben, 33-anyos, parehong residente ng nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Naga City Police Office, nabatid na una nang bumili ang mga operatiba ng isang heat sealed transparent plastic sachet ng pinaniniwalaang shabu gamit ang P500 bilang boodle money.

Nabatid na aabot sa P20,000 na halaga ng pinaniniwalaang shabu ang nasamsam ng mga otoridad sa nasabing mga suspek.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga otoridad ang mga suspek para sa karampatang disposiyon.