Sisimulan nang ibigay ng Department of Agriculture sa Disyembre ang P336 milyon na kompensasyon para sa mga kwalipikadong magbababoy na naapektuhan ng African Swine Fever.
Inanunsyo ito nitong Nobyembre 27, 2026 sa plenary deliberations para sa panukalang 2027 budget ng kagawaran matapos aprubahan ng tanggapan ng Executive Secretary ang pagpapalabas ng pondo noong Nobyembre 11.
Nagsimula ang pagkilos sa isyu noong Enero 19, 2026 nang humingi ng update at datos sa DA ang tanggapan kaugnay ng bayad sa mga apektadong hog raiser.Balita ngayon
Sinundan ito ng pormal na liham sa Department of Budget and Management noong Hulyo 15 para sa mga hindi pa nababayarang claims, at nagkaroon ng inter-agency meeting ang DBM at DA noong Hulyo 28.
Noong Setyembre 25, ipinaalam ng DBM ang rekomendasyon nito para mailabas ang pondo, na nagbukas ng daan sa pag-apruba at nalalapit na pamamahagi ng tulong ngayong taon.














