Photo © web

Inaprubahan na ng pambansang pamahalaan ang P4 bilyong pondo para sa rehabilitasyon ng mga imprastrakturang napinsala sa lalawigan ng Cebu matapos ang lindol at sunod-sunod na bagyo noong huling bahagi ng 2025.

Ito ang inihayag ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon sa kanyang muling pagbisita sa probinsya, kung saan nagsagawa siya ng inspeksyon sa ilang proyekto, partikular sa Lungsod ng Talisay.

Ayon kay Dizon, personal na inaprubahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang naturang pondo upang mapabilis ang rehabilitasyon ng mga nasirang gusali, paaralan, flood control projects, at mga tulay.

Dagdag pa ng kalihim, layunin ng pamahalaan na maibalik agad sa normal ang kondisyon ng mga komunidad at matiyak ang kaligtasan ng mga residente sa pamamagitan ng mas matibay at maayos na imprastraktura.

Advertisement
Advertisement