NAGA CITY – Tinatayang aabot sa P80,000.00 ang halaga ng pera na natangay sa isang drug store matapos na mabiktima ng pagnanakaw Lucban, Quezon.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na personal na pinarating ng representative ng drug store na si Angeline Lowe Babierra, 39-anyos, residente ng Brgy 8, Lucban, sa nasabing bayan ang nasabing insidente sa mga awtoridad.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, sinasabing habang binubukasan nito ang kanilang tindahan, bandang alas-6 ng umaga kahapon, ng madiskubre nito na sira na ang padlock ng roll ng kanilang tindahan.

Matapos nito, agad naman itong pumasok sa lugarr at dito na nadiskubre na pwersahang sinira maging ang vault nito kung saan nakatago ang nasabing halaga ng pera.

Advertisement

Kaugnay nito, napansin rin ng biktima na nawawala rin maging ang hard disk ng kanilang CCTV.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad maging ang pagtukoy sa posibleng may kagagawan ng nasabing pagnanakaw sa lugar.

Advertisement