NAGA CITY- Patay ang isang padre de pamilya matapos pagsaksakin hanggang sa mamatay ng sa riling anak sa Conception Grande, Naga City.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PSMSg. Toby Bongon, tagapagsalita ng Naga City Police Office (NCPO), sinabi nitong base sa kanilang imbestigasyon, inutusan ng ama ang 18-anyos na anak na magluto ngunit nauwi sa hindi pagkakaintindihan.

Hanggang sa kumuha ang suspek ng patalim at pinagsasaksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang ama hanggang sa binawian ng buhay.

Nabatid na hindi gaanong malapit ang naturang anak sa kanyang ama dahil lumaki ito sa tita nito.

Maliban dito, palagi umanong lasing ang ama na isa pa sa pinaniniwalaang dahilan ng hindi pagkakaintindihan ng dalawa.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad sa naturang insidente.