Arestado ang isang padyak driver at isang security guard matapos maaresto sa buy-bust operation sa Naga City nitong Mayo 19, kung saan nasamsam ang tinatayang ₱816,000 halaga ng hinihinalang shabu.

Kinilala ang mga suspek sa alyas “Boboy,” 45-anyos na padyak driver, at “Dagol,” 41-anyos na security guard, na umano’y itinuturing na pinagbababagsakan ng ilegal na droga sa lungsod.

Ayon sa ulat, isinagawa ang operasyon bandang 3:48 ng hapon sa Barangay Abella ng pinagsanib na pwersa ng CIU, CPDEU, Police Station 1, at PDEA Regional Office V.

Nasamsam mula sa mga suspek ang humigit-kumulang 120 gramo ng hinihinalang shabu, kabilang ang ilang sachet at buy-bust money.

Advertisement

Kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya ang mga suspek habang inihahanda ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Advertisement