NAGA CITY- Nagsimula na kahapon ang pag-opisina ng mga City Youth Officials sa kanya-kanyang counterpart sa lungsod ng Naga.
Sa naging pagharap sa mga kawani ng media ni Naga City Administrator Elmer Baldemoro, sinabi nito na taun-taon, tuwing summer vacation nagkakaroon ng City Youth Officials Program.
Ang nasabing programa ay dinisenyo para sa mga kabataan na magiging counterpart ng City Mayor, Vice-Mayor, Members of Sangguniang Panlungsod at Department Heads.
Ayon pa kay Baldemoro, 1 and 1/2 month ang duration ng mga City Youth Officials na kung saan sila rin ay makakatanggap ng sahod na kapantay ng employee ng lungsod.
Layunin umano ng programa na ito ay ang ma-training ang mga kabataan at maranasan ng mga ito ang mga ginagawa sa City Hall partikular ang kanilang mga counterpart gayudin upang malaman kung ano ang contribution ng mga youth officials sa development ng Naga.
Kaugnay nito, meron ding nakalaan na pondo o budget para sa mga programa na kanilang gagawin at siniguro rin ng LGU-Naga ang kanilang suporta sa kaplanohan ng mga kabataan.
Sa ngayon ay hinimok na lamang ng konsehal ang mga kabataan na makiisa sa pagpapa-unlad ng lungsod at ibahagi ang kanilang tinatagong galing sa larangan ng governance.