NAGA CITY- Bumuhos ngayon ang pagbati ng mga supporters asin malalapit na kaibigan nina Camarines Sur Governor Migz Villafuerte at Miss Philippines-Universe 2017 Rachel Peters matapos isapubliko ng mga ito ang kanilang umano’y ‘road to forever’.

Kahapon nang ibahagi ni Villafuerte sa kanyang facebook ang larawan nila ni Peters habang may caption na ‘She said Yes!’

Sa Instagram account naman ni Peters, nagpost din ito ng larawan nila ng gobernador habang pinasilip din nito ang engagement ring na nakasuot sa kanyang daliri.

Sa kabila nito, inaabangan naman ngayon ng mga supporters ang petsa ng pag-iisang dibdib ng dalawa.

Kung maaalala una nang sinabi ni Villafuerte na hahayaan muna niyang mag-shine ang kasintahan bago pag-usapan ang kasal.Top