Kinumpirma ng acting US Navy Secretary na ipinagpaliban muna ang planong pagbebenta ng mga armas ng Estados Unidos sa Taiwan upang masiguro ang sapat na suplay ng munitions para sa operasyon ng US military sa Iran.
Ayon kay acting Secretary Hung Cao, pansamantalang ititigil ang nakatakdang $14 bilyong halaga ng armas na bibilhin ng Taiwan dahil sa pangangailangang unahin ang reserba ng sandata para sa “Epic Fury” operation.
Sinabi niya na maaari namang ipagpatuloy ang pagbebenta ng kagamitang militar sa Taiwan kung ituturing itong kinakailangan ng administrasyon ni US President Donald Trump.
Sa ngayon, wala pang opisyal na pahayag ang US State Department at Pentagon kaugnay sa naturang desisyon.
Advertisement
Advertisement














