NAGA CITY – Inaasahan na isusulong na ngayon ang pagbuhay sa kagustuhan na amiyendahan ang pasipistang konstitusyon ng Japan, na matagal nang hinahangad ni dating Prime Minister Shinzo Abe.

Ito’y matapos na makakuha ng kabuoang 76 seats ang ruling party at coalition partner ni Abe na Liberal Democratic Party (LDP), sa kakatapos pa lamang na upper house election noong Linggo, Hunyo 10.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Bombo International News Correspondent Hannah Galvez, mula sa Tokyo, Japan, sinabi nito na matapos na makuha ang two-third majority sa 248-member upper chamber, maiisulong na ng ruling bloc ang matagal nang gustong mangyari ni Abe na mabago ang 75-taon nang konstitusyon ng nasabing bansa.

Ayon pa kay Galvez, partikular na ira-ratify umano ng ruling bloc ang nakasaad sa Article 9 ng konstitusyon upang palakasin ang national security at ang pagdagdag sa budget ng kanilang military power.

Maliban pa dito, ipaprayoridad rin ng LDP ang pagsolusyon sa COVID-19 pandemic at ang patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin sa pandaigdigang merkado.

Maaalala, si Abe, na longest-serving prime minister sa Japan, ay binaril gamit ang homemade gun noong nakaraang Biyernes, Hulyo 8 habang nagbibigay ng kaniyang speech sa Nara City sa nasabing bansa.