NAGA CITY – Matatagalan pa umano bago maibalik ang generation charge na dapat na maibalik sa mga member consumer ng CASURECO II.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Rinner Bucay, tagapagsalita ng Casureco II, sinabi nitong noong nakaraang buwan ay nag-follow up sila sa pamamagitan ng pagpapadala ng liham sa ERC ngunit hanggang ngayon ay wala pang kautusan mula sa nasabing ahensya hinggil sa generation charge na maaaring ibinabalik ng mga mamimili.
Ayon kay Bucay, sinusuri pa ng ERC ang kontrata ng kumpanya para malaman kung may excess o wala.
Dagdag pa ng opisyal, kung magpapatuloy ang legal na proseso, matagal pa ang paghihintay sa nasabing refund. Kaya aniya, kailangan ang masusing imbestigasyon para maging mas malinis ang proseso.
Sa ngayon, hinihingi ni Bucay ang pang-unawa ng lahat upang maiwasan ang anumang kalituhan o hindi pagkakaunawaan.