NAGA CITY- Nagpapatuloy pa ang construction ng Road widening sa Balatas-Cararayan Road sa lungsod ng Naga.
Sa pagharap sa mga kagawad ng media ni Naga City Mayor Nelson Legacion, sinabi nito na sa susunod na dalawang buwan pa matatapos na ang Balatas Road.
Habang susunod naman na inaasahang matatapos ang shoulder, drainages at solar street lights.
Layunin ng nasabing proyekto na mabawasan ang bigat ng trapiko sa lungsod.
Samantala, inaasahan naman na ang kakalabasan ng mga isinasaayos na daan ang gaya sa nangyari sa Del Rosarion Cararayan Road na right after the Brigde, kung saan mas malaki at maliwanag tuwing gabi.
Kaugnay nito, inamin naman ng alkalde na nag-extend na ang nakatalaan na buwan upang tapusin ang mga daan pero hindi na dapat pang lumampas sa Disyembre 2024 at bago ang Peñafrancia Fiesta.