NAGA CITY- Isinagawa na ang seremonya ng pagsusunog sa walong lumang watawat ng Pilipinas sa lungsod ng Naga kahapon, June 8, 2024.
Sa nagin pahayag ni Naga City Vice Mayor Nene de Asis, sinabi nito na ayon sa batas ng bansa, ang mga lumang watawat at sira na ay hindi dapat basta basta itatapon sa kung saan-saan bagkus dapat itong sunugin upang makaiwas sa maling paggamit sa mga ito bilang basahan, laruan, pagtapon sa mga basurahan o pagtatago hanggang sa tuluyan ng masira.
Dagdag pa ng bise alkalde, sakaling makita na mayroon ng itong sira, ay dapat kaagad na palitan dahil ito ang nagsisimbolo sa bawat Pilipino.
Ito’y dahil ang bandera ng Pilipinas ang sumisimbolo sa katalingkasan ng bansa at pagiging malayang mamamayan.
kaugnay nito, panawagan rin ng opisyal na huwag hayaan na yurakan ng kahit sino ang bandera ng Pilipinas at panatilihing matingkad ang kulay na nagsisimbolo naman ng kultura ng bansa.
Sa kabilang banda, binigyan-diin rin ng isang curator sa lungsod ang simbolo at kahalagahan ng watawat sa ating bansa kasabay ng pagsusunog nito.
Sa nagin pahayag naman ni Mark Anthony Glorioso, Shine Curator II sa JMR Museum, sinabi nito na kinakatawan ng watawat ng Pilipinas ang kasaysayan, kasalukuyang panahon at kinabukasan ng bawat Pilipino.
Nagsisimbolo rin ito sa kayaman ng kasaysayan at kultura ng bansa maging ang mga sakripisyo ng mga bayani ng Pilipinas.
Ang sinuman umano na nasa ilalim ng watawat na ito ay dapat na mayroon paninindigan upang ipagtanggol ang kahusayan ng ating inang bayan.