NAGA CITY- Patay na nang matagpuan ang katawan ng isang lalaking palutang-lutang sa karagatang sakop ng Barangay Umiray, General Nakar, Quezon.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na ang naturang lalaki ay hindi naman residentes ng nasabing barangay at wala pa itong pagkakakilanlan.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, sinasabing posibleng sinubukan ng biktima na tumawid sa ilog ngunit dahil sa malakas na agos ng tubig, pinaniniwalaang nadala ito ng agos at tuluyang nalunod.
Sa ngayon, isinailalim na sa otopsiya ang nasabing lalaki habang patuloy pang inaalam ang posibleng pagkakakilanlan nito.